CAGAYAN DE ORO CITY – Sasailalim na sa masinsinan na clinical trials ang nasa 300 katao bilang partisipante ng sensitibo na ekspyermento ng health experts upang matagumpayan ang pagbuo ng ‘body vaccine’ laban sa Coronavirus Disease 19 pandemic sa isang kolehiyo sa United Kingdom.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo ni Filipino molecular biologist Dr Don Valledor nang magbigay update sa kasalukuyang tinatrabaho nila na bakuna sa Imperial College London sa UK.

Inihayag ni Valledor na gagamitin nila ang S.A. RNA vaccines bilang injection hindi para sa mga nagkaroon na ng bayrus subalit sa mga tao na kailanman ay wala pang history ng COVID-19 infections.

Ipinapaliwag ni Valledor na mismo na ang katawan ng pasyente ang mag-produce ng bakuna upang magamit na pangtapat sa coronavirus.

Dagdag nito na ang 18 million pound na halaga ng UK health studies na bakuna ay hindi muna nila binigyang brand name dahil layunin ng gobyerno na libre ang pamimigay nito sa mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas sa susunod na taon.

Magugunitang kabilang rin ang pinakamayaman na tao sa buong mundo na si Bill Gates ng Amerika ang nag-ambag ng 1.2 million dollars para mabilis ang pagkabuo ng bakuna upang magamit ng buong mundo sa mas lalong madali na panahon.