Jordan Clarkson
-- Advertisements --

Dinala ni Donovan Mitchell ang Utah Jazz sa huling minuto upang makalusot laban sa Oklahoma City Thunder, 110-104.
Ito na ang ika-12 panalo ng Jazz, habang lalong nasadlak sa 5-12 record ang Thunder.

Sa huling minuto ng laro anim na sunod-sunod na puntos ang naitala ni Mitchell para siya ay magtapos sa 13 points.

Nanguna naman sa puntos ang Fil-Am na si Jordan Clarkson na tumipon ng 20 points, habang nagdagdag sina Mike Conley ng 18 points, at si Rudy Gobert ay nag-ambag ng 15 points at 17 rebounds.