Nasayang ang muling pangunguna ni Fil Am player Jordan Clarkson na may 29 points sa Utah Jazz nang masilat ng Portland Trail Blazers, 105-98.

Ito na ang ika-limang sunod na panalo ng Blazers para patibayin pa ang paghahabol sa top six sa Western Conference.

Inalat sa kanilang mga tira ang Jazz na siya namang sinamantala ng Blazers.

Nanguna sina Damian Lillard sa 30 points at CJ McCollum na nag-ambag ng 26 para sa kanilang 41-29 record.

Ang Utah naman ay hawak ang top spot na may 50-20 kartada.

Si Rudy Gobert ay umiskor ng 15 points at 20 rebounds pero malasap nila ang ikalawang sunod na pagkatalo.