-- Advertisements --

Nagsagawa ngayong araw ng demonstrasyon ang Citizen-Complainants sa tapat Korte Suprema upang idulog ang kanilang hinaing sa nakaraan nitong inilabas na desisyon.

Kung saan hiling ng Citizen-Complainants na makapaghain sila ng ‘Motion for Reconsideration’ sa Korte Suprema hinggil sa inilabas na deklarasyong ‘unconstitutional’ ang Articles of Impeachment.

Ayon kay Dr. Sylvia Estrada Claudio, isa sa mga complainant, nais nilang maiparekunsidera sa Kataastaasang Hukuman ang desisyon nito upang masimulan ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Layon din nila sa mosyon na himukin ang mahistrado na baliktarin ang naging hatol nito sapagkat giit nila’y nakapagpapahina lamang ito sa demokratikong pagpapanagot ng mga opisyal upang maisailalim sa masusing pagsisiyasat.

Kaya’t kanyang inihayag na mariin nilang tinututulan ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa pagdedeklara nitong ‘unconstitutional’ ang articles of impeachment.