-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) ang mga naging paratang ni Atty. Bernard Vitriolo, defense at legal counsel ni Staff Master Sgt. Joey Encarnacion na itinatago nila ang mga affidavits mula sa sampung repondents sa kaso ng missing sabungeros.

Sa isang panayam, binigyang linaw ni CIDG Dir. PBGen. Christopher Abrahano na hindi ang kanilang tanggapan ang dapat na magsumite ng naturang mga dokumento sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) upang nagamit sa pagusad sa naturang kaso.

Napagalaman kasi sa naging evaluationg ginawa ng CIDG na hindi mula sa kanilang tanggapan ang mga imbestigador na personal na kumolekta sa dokumentong ito.

Layon nito na maprotektahan din ang integridad ng mga impormasyon na ito kaya naman hindi nila ito dinala sa himpilan ng DOJ.

Matapos nito ay tiniyak naman ni Abrahano na mayroon pang magagawa sa mga naturang dokumento.

Maaari pa aniya itong ipasa mismo ng mga respondents sa DOJ upang magamit sa pagkakasa ng imbestigasyon hinggil sa kaso ng missing sabungeros.

Ito ay para hindi para masayang ang mga affidavits at magamit pa sa ongoing investigation ng DOJ kung kinakailangan.

Samantala, nitong Huwebes naman humarap ang Patidongan brothers sa tanggapan ng National Police Commission (NAPOLCOM) para isumite ang kanilang complaint affidavits laban kay dating CIDG Dir at kasalukuyang SOCCSKARGEN Regional Police Dir. PBGen. Romeo Macapaz Jr. dahil sa naging proseso umano ng pagaresto sa kapatid ng whistleblower na si Julie Patidongan mula sa Cambodia.

Inaasahan naman na sa paglutang ng dalawa lang kapatid ng whistleblower na si Julie Patidongan ay magkakaroon na ng mas maliwanag na katotohanan sa naturang kaso.