-- Advertisements --

Nagtala ang China ng mahigit 7,000 kaso ng chikungunya.

Mula pa noong Hulyo maraming mga dinapuan ng nasabing mosquito-borne virus sa Guangdong province.

Sa lungsod ng Foshan ay maraming mga pasyente pa rin ang hindi pa pinapalabas sa pagamutan.

Mananatili sila ng isang linggo at makakalabas lamang sila ng kapag nagnegatibo na sila.

Bukod kasi sa Foshan City mayroong naitalang kaso sa 12 lungsod sa southern Guangdong province .

Naging mild lamang ang nasabing sakit kaya 95 percent ng gma pasyente ay nakalabas na ng pagamutan sa loob lamang ng pitong araw.

Nakukuha ito sa kagat ng lamok na may infection kung saan makakaranas ang pasyente ng pananakit ng katawan, trangkaso na tatagal ng ilang buwan.