-- Advertisements --

Kinondina ng embahada ng China sa Pilipinas ang alegasyon ng panghihimasok umano nila sa halalan ng bansa.

Kasunod ito sa pagkakaaresto ng isang Chinese spy sa harap ng opisina ng Commission on Election (COMELEC).

Ayon sa embahada na sila ay tapat na nagpapakilala sa mga tao kung saan nirerespeto nila ang anumang batas na ipinapatupad ng isang bansa.

Ang nasabing alegasyon umano ay mula sa ibang mga pulitiko para sa kanilang pansariling interest.

Paglilinaw pa nila na walang interest ang China na manghimasok sa halalan ng Pilipinas.

Magugunitang naaresto ang 47-anyos na si Tak Hoi Lao at nakuha sa kustodiya nito ang isang International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher na kayang makahagilap ng mga pag-uusap sa telepono.