-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang White House sa naganap na hacking ng ilang emails ng kanilang government agencies at organizations.

Ibinunyag kasi ng Microsoft na mula umano sa China ang hackers na nakapag-accessed sa mga email accounts ng ilang ahensiya sa US.

Kinumpirma naman ito ni US National Security Adviser Jake Sullivan na agad naman nilang naagapan at sila ay naglunsad na ng imbestigasyon.

Mariing pinabulaanan naman ito ng China kung saan sinabi nito na ang US ang siyang pinakamalaking hacking empire at global cyber thief.

Dagdag pa ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin na nararapat na ipaliwanag ng US ang kanilang cyberattack activities at itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon para linlangin ang mga tao.

Sa panig naman ng Microsoft ay nakikipag-ugnayan na sila sa US Department of Homeland Security at Cybersecurity and Infrastructure Security Agency.