-- Advertisements --

Napanatili ang lakas ng typhoon Emong habang ito ay nasa karagatang sakop ng Northern Luzon.

Huli itong namataan sa may Burgos, Pangasinan.

Halos hindi kumikilos o almost stationary.

May taglay na 120 km/h na lakas ng hangin malapit sa gitna at bugso ng hangin hanggang 150 km/h.

Dahil dito, may ilang parte ng Luzon ang nasa signal number 4.

Signal No. 4:
Ilocos Sur
La Union
Hilagang-kanlurang bahagi ng Pangasinan

Signal No. 3:
Natitirang bahagi ng Ilocos Sur
Natitirang bahagi ng La Union
Hilaga at kanlurang bahagi ng Pangasinan
Timog bahagi ng Abra
Kanlurang bahagi ng Mountain Province
Kanlurang bahagi ng Benguet

Signal No. 2:
Ilocos Norte
Natitirang bahagi ng Pangasinan
Natitirang bahagi ng Abra
Apayao
Kalinga
Natitirang bahagi ng Mountain Province
Ifugao
Natitirang bahagi ng Benguet
Babuyan Islands
Hilaga at kanlurang bahagi ng mainland Cagayan
Kanlurang bahagi ng Nueva Vizcaya
Hilagang bahagi ng Zambales

Signal No. 1:
Batanes
Natitirang bahagi ng Cagayan
Kanlurang at gitnang bahagi ng Isabela
Quirino
Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
Natitirang bahagi ng Zambales
Tarlac
Hilagang bahagi ng Pampanga
Kanlurang at gitnang bahagi ng Nueva Ecija