-- Advertisements --

Isinailalim na sa state of calamity ang Muntinlupa City ngayong araw dahil sa mga matinding pagbaha na naranasan nito.

Ang naturang deklarasyon ay nakabase sa Resolution No. 25-011 na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Navotas.

Maalala kabilang ang lungsod sa labis na naapektuhan ng pagbahang dala ng mga pag-ulan dulot ng umiiral na habagat at nagdaang bagyong Crising, Dante, and Emong.

Ayon sa Sangguniang Panlungsod, hindi bababa sa 220 na pamilya katumbas ng 916 indibidwal ang naapektuhan ng mga pagbaha at namamalagi ngayon sa mga itinalagang evacuation centers

Sa pamamagitan ng deklarasyong ito, inaasahan na magagamit na ng LGU ang kanilang critical resources para sa agarang pagtugon.

Tuloy-tuloy naman ang ayuda ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City sa mga apektadong pamilya .