-- Advertisements --

Inakusahan ng China ang US sa pagpapalipad ng kanilang mga warplanes at close-up reconnaissance flights sa mga isla ng South China Sea nitong Setyembre.

Ayons a South China Sea Strategic Situation Probing Initiative (SCSPI), 41 na eroplano ang lumipad sa pinag-aagawang South China Sea, anim sa East China Sea at 13 naman sa Yellow Sea.

Nagsagawa pa daw umano ng air refuelling activities pa ang mga eroplano na tila naghahanda sa pag-aatake.

Ang nasabing bilang ay kahalintulad ng ginawa umano ng US noong Hulyo at Agosto.

Nag-disguised pa umano ang US Air Force plane ng kanilang aircraft identification codes habang nagsasagawa umano ng activities.