-- Advertisements --

Umatras si Pinay mixed martial arts (MMA) fighter Denice Zamboanga ONE 173 na gaganapin sa buwan ng Nobyembre.

Makakaharap sana nito si Ayaka Miura sa laban na gaganapin sa Tokyo, Japan.

Sa social media account nito, sinabi niyang may dinaramdam ito at hindi na ito nagbigay pa ng ibang mga detalye.

Dagdag pa nito na naging mabigat ang desisyon at humingi ito ng pang-unawa sa mga fans.

Tiniyak niya na magiging mas mabangis pa ang muli niyang pagbabalik dahil sa pagmamahal niya sa sports.