Patay ang dalawang bata matapos na sila ay pagbabarilin sa isang Catholic School sa Minneapolis.
Nangyari ang insidente habang isinasagawa ang misa sa Annunciation Catholic School kung saan hinarangan ng suspek na si Robin Westman ang dalawang pintuan ng paaralan at walang habas na ito namaril.
Aabot sa 17 mga katao na karamihan ay bata ang nasugatan at dinala na ang mga ito sa pagamutan.
Ang mga nasawing biktima ay nasa edad anim at walong taong gulang.
Matapos ang ilang minuto ay natagpuan ng mga otoridad sa bisinidad ng paaralan ang wala ng buhay na suspek.
Naniniwala ang mga otoridad na naiplanong mabuti ng suspek ang pamamaril at pinag-aralan ang mga aktibidad sa paaralan.
Dahil sa insidente ay inatasan ni US President Donald Trump na ilagay sa half-staff ang watawat ng America na nakalagay sa mga opisina ng gobyerno hanggang sa araw ng Linggo.
Labis naman ang kalungkutan ni Pope Leo XIV ng malaman ang pangyayari.
Ayon kay Vatican Secretary of State Pietro Parolin, na ipinapaabot nito ang mahigpit na yakap sa mga kaanak ng biktima.
Ipinagdasal din ito ang mga biktima ganun din ang mga first responders at alagad ng simbahan sa nasabing paaralan.