-- Advertisements --
Handang ipakita ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Tugon ito ng kalihim sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magsagawa ng lifestyle check sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno.
Dagdag pa nito na kaniyang bagong buong Anti-Corruption Task Force sa DPWH ay hinihikayat ang publiko na isumbong sa kanila ang mga kuwestiyonableng proyekto ng DPWH.
Kumpiyansa din ang kalihim na may malaking tiwala pa rin sa kaniya ang pangulo dahil sa inatasan siya nito na bilisan ang imbestigasyon ukol sa maanomalyang flood control projects.
Nais rin ng kalihim na mapanagot ang lahat ng mga nasasangkot sa mga anomalya.