-- Advertisements --
Magpapatupad ang Supreme Court ng work-from-home arrangement sa kanilang empleyado sa araw ng Martes Agosto 26, 2025 dahil sa inaasahang matinding pag-ulan.
Ayon kay SC spokesperson Atty. Camille Ting, na mayroong skeletal workforce ang mananatili sa ilang mga opisina nila.
Kinabibilangan ito ng Fiscal Management and Budget Office; Cash Collection and Disbursement Division; Judicial Records Office at Docket Receiving Section.
Nauna ng sinuspendi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pasok sa mga opisina ng gobyerno at paaralan sa Metro Manila at 18 probinsya dahil sa inaasahang epekto ng habagat at Low Pressure Area.