-- Advertisements --

Tiniyak ng National Police Commission (Napolcom) at Philippine National Police (PNP) na makikipagtulungan sila sa Commission on Human Rights o CHR, kaugnay sa imbestigasyon sa extrajudicial killings.

Ayon kay Napolcom Vice Chairman Atty. Rafael Calinisan sa briefing ng House Committee on Public Order and Safety, matapos na kwestyunin ni Akbayan PL Rep. Chel Diokno ang kawalang access ng CHR sa mga police report at iba pang rekord tungkol sa EJKs.

Sinabi ni Diokno na ang balakid dito ay ang Executive Order no. 2 ni dating Pang. Rodrigo Duterte, na siyang naglunsad ng war on drugs.

Ayon sa PNP magsusumite sila ng report hinggil sa naging pahayag ng CHR.

Sa ilalim ng pamumuno ni bagong PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez, makakaasa ng kooperasyon ang CHR.

Dagdag ni Atty. Calinisan, mayroon na silang ginagawang “targeted investigation” kaugnay ng EJKs at maglalaan aniya ang PNP ng access sa mga investigative bodies na sumusuri sa mga kaso ng EJK.