-- Advertisements --

Kinansela ng Irish rap group na Kneecap ang kanilang US tour.

Ito ay dahil sa dadalo sa court hearing sa London ang isa nilang miyembro na si Liam Óg Ó hAnnaidh.

Nitong Mayo kasi ay kinasuhan ang 27-anyos na singer matapos iwagayway ang watawat ng Hezbollah sa show nila sa London.

Ayon sa banda na dahil sa inaasahan sa buwan ng Setyembre ang pagdinig sa kaso ay maapektuhan ang 15 tour dates ng hanggang Oktubre.

Magsisimula sana sa New York ang tour sa Oktubre 1.

Habang ang mga planong tour sa Vancouver at Toronto sa Canada ay matutuloy.