-- Advertisements --
Muling lumalaganap ang chikungunya sa buong mundo, kung saan nagsimula ito noong Marso sa mga isla ng Indian Ocean.
Kumalat na rin ang sakit sa mga bansa sa Timog at Silangang Asya, gaya ng nangyari 20 taon na ang nakalipas.
Sa mga bansang endemic tulad ng sa Americas, mahigit 200,000 kaso na ang naitala ngayong taon.
Ang chikungunya ay isang sakit na dulot ng virus mula sa lamok na Aedes aegypti at Aedes albopictus, na nagdudulot ng lagnat at matinding pananakit ng kasu-kasuan.
Tinatayang 5.6 bilyong tao ang nakatira sa mga lugar na maaaring tamaan ng mga sakit na dala ng Aedes mosquito, at sa mga populasyong walang immunity, maaaring kumalat ito nang mabilis at magdulot ng krisis sa mga sistemang pangkalusugan.