Posibleng pumalo ng mahigit $250,000 o katumbas ng P12.5-M ang presyo na abutin sa auction ng 14k gold and diamond championship ring na iniregalo ng namayapang si Kobe Bryant sa kaniyang ama.

ring4
Goldin Auction

Ang nasabing singsing na personal na ipanagawa ni Bryant ay kahalintulad ng championship ring ng Los Angeles Lakers na kaniyang natanggap noong 1999-2000 championship .

Tig-iisang pinaggawan ni Bryant ang magulang nitong sina Pamela at Joe “Jellybean” Bryant.

Ayon sa Goldin Auctions, ang singsing na ibinigay sa ina nito ay nabili noong nakaraang mga buwan ng $206-K.

Maging ang cast o benda na ginamit ni Bryant na pirmado nito ay inaasahan na mabibili sa auction ng $20-K.

Ginamit ni Bryant ang nasabing benda nong 1999 season ng mabali ang kaniyang pulso.