Nakalusot ang Boston Celtics sa ipinakitang performance ng Toronto Raptors upang italaka ang kanilang ika-12 sunod0snod na panalo.

Nakagawang makatakas ang Celtics sa isang puntos lamang upang iposte ang 95-94 na panalo.

Bumawi sa kanyang pagbabalik si Al Horford na umiskor ng 21 puntos mula sa 8-9 shooting.

Ang panalo ng Boston (12-2) ay sa kabila na wala si Kyrie Irving matapos na tamaan ng siko mula sa kanyang teammate na si Aron Baynes nitong nakalipas na Huwebes.

Samantala sa panig ng Toronto, nasayang ang ginawa ni DeMar DeRozan na may 24 points habang si Kyle Lowry at nagdagdag ng 19 points at seven assists.

Sa ngayon ang Raptors ay hawak ang 7-5 win-loss card.