-- Advertisements --

CEBU CITY- Iginiit ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia na magsasagawa ito ng ‘shame campaign’ para sa mga maghoard at mag overpricing sa mga pangunahing bilihin sa lalawigan ng Cebu.

Ito’y kaugnay na rin ng banta ng COVID-19 matapos na ring nagpalabas ng EO ang gobernadora na pagban sa mga entry ng mga flights mula sa Manila. At pagsailalim na rin ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ng Cebu City sa ‘community quarantine’.

Ayon kay Garcia na hindi ito mag-aatubiling isapubliko ang mga pangalan ng mga kompanya na mga abusado kahit paman sa kinakaharap na crisis ng bansa.

Ngunit siniguro naman ng governor na wala umanong dapat na ikabahala dahil sapat ang supply ng mga bilihin sa Cebu Province. Ini-utos na rin nito sa National Food Authority (NFA) na hindi magpapalabas ng hindi balidong bilang ng mga sakong bigas para maiwasan ang “hoarding”.

Nakipagpulong na rin ang ahensiya sa gobeyerno kasama na ang Price Monitoring Team sa lalawigan para mapag-usapan ang karagdagang measures para maiwasan ang “hoarding” at “overpricing.