-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sinimulan na ang malawakang vaccination rollout para sa libu-libong senior citizens o A2 sa ilang bahagi ng Cagayan de Oro City nagsisilbing pinagmulan sa sobrang taas ng positibong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Northern Mindanao.

Ito ay matapos pinamadali ni City Mayor Oscar Moreno na marami na ang mabigyang bakuna na mga residente para makuha ang hinangad na local herd immunity laban sa laganap pa rin na bayrus.

Ginawa ng alkalde ang pahayag kaugnay sa pagsilbi nitong kabilang sa 1,081 na senior citizens na tumugon sa pagsisimula ng vaccination rollout sa tatlong magkahiwalay na venue ng inaculation nitong lungsod.

Una nang ipinag-utos ni Moreno na tigilan na ng city health cluster ang pagbigay bakuna sa frontline health workers dahil nadiskobre nito na mayroong ilang nagmula sa city hall at galing sa mga barangay na ipinalusot para mabigyang vaccination.

Ito ang dahilan na matapos dumating ang karagdagang suplay ng Sinovac vaccine para sa syudad mula sa national government ay agad sinimulan ang pagbibigay bakuna para sa A2 priority list.

Magugunitang nakaabang na rin na bigyang bakuna ang persons with co-morbidities (A3);frontline personnel na kinabilangan ng essential sectors kasama ang uniformed personnel maging indigent population (A4).