-- Advertisements --
Patay ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos na masabugan ng hindi pa malamang uri ng paputok sa Tondo, Maynila.
Ayon sa kapulisan , nangyari ang insidente pasado alas-8 ng gabi nitong Linggo, Disyembre 28 sa A. Lorenzo St. cor. Abad Santos Avenue.
Nagtamo naman ng sugat ang isa pang indibidwal na itinakbo sa pagamutan.
Inaalam pa ng mga otoridad kung anong uri ng paputok ang sinindihan ng nasabing biktima.
















