-- Advertisements --

Sumasailalim sa mandatory quarantine ang nakadetine na si Sarah Discaya kasama ang 9 na iba pang akusado sa Lapu-Lapu Jail kasunod ng paglipat sa kanila kamakailan mula sa kustodia ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kasama ni Discaya ang tatlo pang female detainees na inilagay sa reception cell para sa mandatory quarantine period sa loob ng limang araw hanggang dalawang linggo.

Ayon kay Chief Inspector Ivy Christine T. Manigos, female dormitory warden ng Lapu-Lapu City Jail, binigyan sina Discaya ng kanilang mga pangunahing pangangailangan. Saklaw aniya ng isolation period, ang health monitoring at pagkumpleto ng booking procedures, at nakabinbing rekomendasyon mula sa regional physician ng pasilidad.

Pagkatapos naman ng kanilang mandatory quarantine, aantayin ang rekomendasyon ng kanilang regional physician para sa kanilang susunod na hakbang.

Subalit, siniguro ng Jail Chief Inspector na ginagawa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kanilang makakaya para ma-secure ang high-profile inmates gaya ni Discaya.