Archbishop Quevedo

Nagbabala si dating Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo sa mga kumakalat na text messages mula sa isang indibidwal na gumagamit ng kaniyang pangalan para mangalap ng pondo.

Sinabi ng retiradong obispo, na nakakuha ito ng impormasyon na may mga kumalat na text messages na humihingi ng pera para gamitin daw sa kaniyang nakatakdang heart bypass operations.

Pinabulaanan ni Quevedo na siya ang nasa likod ng text message at tinawag nito na isang scam.

Humingi na ng tulong ang 80-anyos na obispo sa Catholic Bishop Conference of the Philippines para mabigyan ng babala ang mga mamamayan sa kumakalat na modus.