-- Advertisements --

Naglabas ng panuntunan ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa mga dadalo ng tradisyunal na Simbang Gabi habang nasa gitna pa rin ng Coronavirus Disease (COVID) pandemic ang bansa.

Ayon sa CBCP, gaya ng mga ipinapatupad nila tuwing regular na misa ay tanging mga fully-vaccinated ang kanilang papapasukin sa loob ng simbahan.

SMBANGGABI

Bawat entrance ng simbahan ay may nakatalagang guwardiya na siyang magtsi-check ng mga vaccination card.

Dapat din ay nakasuot ng facemask ang mga dadalo sa misa.

Magiging 70 porsiyento ang kapasidad ng bawat simbahan pero kanilang hinihikayat ang mga mananampalataya na kung maaari ay makinig na lamang ng mga online mass.

Ito’y para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Batay sa tradisyon ng mga Katoliko sa Pilipinas, sa darating na December 16 magsisimula ang Simbang Gabi habang ang December 15 naman ng gabi ang anticipated mass para sa 9-day novena masses.