Ikinonekta ni Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President Romulo Valles ang kapaskuhan sa bagong diskubre ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa kaniyang Christmas message, ang pagsilang ni Hesus Kristo ay tulad din pagkakadiskubre ng mga bakuna laban sa virus.

Mula kasi ng magsimula ang krisis ng coronavirus ay makailang beses na ang tao ay humihingi ng awa sa Maykapal.

Mahalaga pa rin ang kabutihang loob dahil walang bakuna ang mapang-abuso sa kalikasan, pagpapahirap sa kapwa at pagdedeklara ng kaguluhan sa kapwa.