-- Advertisements --

Binasag na ni Speaker Alan Peter Cayetano ang kanyang pananahimik matapos na ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN noong Mayo 5.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Cayetano na darating ang araw ng pagtutuos sa ginawang pagbaligtad ng NTC at pakiki-alam ng Office of the Solicitor General (OSG) sa mandato ng Kongreso.

“Last Tuesday we were all ambushed by the NTC,” ani Cayetano.

Sa kabila kasi ng legal opinion na inilabas ng Department of Justice, sa resolusyon ng Senado, at verbal at written assurances na ibinigay sa Kongreso, lumalabas ayon kay Cayetano na nagpadala ang NTC sa pressure mula kay Solicitor General Jose Calida.

Ayon sa lider ng Kamara exclusive Constitutional authority ng Kongreso ang pagbibigay, pagtanggi, pagpapalawig, pabawi o pag-modify sa broadcast franchises.

“Including having the primary jurisdiction to make an initial determination whether an application for a legislative franchise should be granted or denied – still resides in Congress, and Congress alone,” dagdag pa nito.

Bagama’t naantala man ang kanilang pagdinig sa franchise renewal application dahil sa mga nagdaang kaganapan sa bansa tulad nang pag-alburuto ng Taal Volcano noong Enero at COVID-19 crisis, sinabi ni Cayetano na itutuloy pa rin ng House Committee on Legislative Franchises ang kanilang deliberasyon sa prangkisa ng media giant.

“We would have wanted to do this in an orderly manner. But what we want and what we have to deal with are two different things,” saad ng lider ng Kamara.

“So this Congress has no choice but to once again rise to the occasion and fix the mess others make,” dagdag pa nito.