-- Advertisements --
Inanusiyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang suspensyon ng pasok sa paaralan at opisina ng gobyerno ng ngayong araw Setyembre 1, 2025.
Ayon sa DILG na ito ay base sa pagtaya ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na makakaranas ng malalakas na pag-ulan.
Ang mga lugar ay kinabibilangan ng : National Capital Region (NCR), Cavite, Bulacan, Laguna, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Northern Samar, Occidental Mindoro, Antique, Negros Occidental, Pampanga, Rizal.
Tanging ang mga may pasok lamang ay yung mga nasa emergency response sa iba’t-ibang mga LGU na nabanggit.