Posible umanong nailipat ang atensiyon ng publiko mula sa mahahalagang testimoniya sa impeachment trial patungo sa naging press conference ni VP Sara Duterte sa Davao City nitong Martes, Oct. 6.
Ayon kay Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Atty. Allan Panolong, kapansin-pansin ang pagtatangka ni VP Sara na sagutin ang mga bagong alegasyong ibinabato laban sa kanya sa kaniyang isinagawang conference.
Posibleng nais ng pangalawang pangulo aniya na dagdagan ng tuon o bigat ang bagong mga alegasyong ibinabato sa kaniya sa pamamagitan ng ginawang presscon upang bahagyang matabunan ang impeachment trial.
Bilang resulta, posible aniyang nailipat ang atensyon ng publiko mula sa testimonya ng mga kasalukuyang witnesses sa impeachment trial patungo sa press conference,
Nangyari din ito aniya sa gitna ng mahahalagang mga testimonya sa proceedings.
















