-- Advertisements --

Nagsimula ang rock-netting at slope protection project sa dating  administrasyong Duterte.

Ito ang ibinunyag ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa pagdinig ng House Infra Committee ngayong araw na nag-iimbestiga sa mga maanomalyang infrastructure projects partikular ang flood control project.

Ang tugon ni Bonoan ay kasunod ng interpelasyon ni Deputy Speaker at Iloilo Representative Janette Garin kaugnay sa maanomalyang flood at slope protection project sa Benguet na kamakailan lamang ay binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Garin na kitang kita na galit ang Pangulo sa kaniyang nadiskubri sa rock-netting project.

Ayon kay Bonoan naglabas na siya ng direktiba na itigil na ang implementasyon ng rock netting project.

Giit ng Kalihim ang nasabing proyekto ay ipinatupad nuong 2023 sa ilalim ng nagdaang administrasyon.

Pinasusumite naman ni Garin ng report ang DPWH hinggil sa halaga ng proyekto, saan ito located at ano ang status ng proyekto.