LEGAZPI CITY – Nakaranas na rin ng frost ang mga taga-lalawigan ng Catanduanes dahil sa malamig na panahon sa mga nakalipas na mga araw.
Sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Catanduanes Chief Jun Pantino sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) naobserbahang frost ang mga namuong yelo sa mga pader ng mga residente sa naturang lugar.
Ayon kay Pantino, ang frost ay water vapor na nag-solidify dahil sa temperatura na umabot na sa freezing point at dapat na mag-evaporate na ito sa gaseous form.
Subalit dahil sa lamig ng panahon ay nagiging solid ito at kapag nakadikit rin sa mga solid na bagay ay mabubuo bilang isang manipis na yelo.
Binigyang diin ni Pantino na hindi naman aabot sa punto na magiging kagaya ito sa mga bansang may yelo, dahil mataas pa rin ang temperatura ng Pilipinas.