-- Advertisements --

Sa isang vlog na inilabas noong Miyerkules, Agosto 27, nakapanayam ni Yen Santos ang negosyanteng si Chavit Singson kung saan nila pinabulaanan ang matagal nang tsismis na may anak umano sila.

Diretsahang tinanong ni Santos si Singson kung nagkaroon na ito ng karelasyong celebrity, na sinagot nito ng, “Wala pa. Mga Marites lang ‘yon.”

Ibinahagi rin ni Singson na minsan na siyang ikinasal ngunit pumanaw na ang kanyang asawa, at sa ngayon umano ay sya’y “officially single.”

Nagbiruan pa ang dalawa sa vlog, at sinabi ni Yen na matagal na silang magkaibigan at malapit si Singson sa kanyang pamilya.

Dito niya nilinaw na ang sinasabing anak nila ay actually kanyang kapatid at inaanak ni Singson.

“Guys, hindi po namin ‘yon anak. Kapatid ko ‘yon and ninong siya no’n,” giit ng aktres.