-- Advertisements --
Agad na nakapaghain ng piyansa matapos na maaresto si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
Inaresto ang negosyante ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Huwebes, Hunyo 11 dahil sa kasong cyber libel.
Base sa warrant of arrest mula sa Branch 21, Regional Trial Court (RTC) ng Vigan City, ay mayroong paglabag si Singson sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Inaresto siya sa bahay niya sa Barangay Ugong Norte,Quezon City.
Nakapaglagak naman ito ng inilaang piyansa na nagkakahalaga ng P60,000 at napalaya na sa kustodiya ng QCPD Police Station 12.
















