-- Advertisements --

Ipinagpaliban ni Sen Panfilo Lacson ang nakatakdang pagdinig sa Abril 14 ng Senate blue ribbon committee kaugnay ng anomalya sa flood control projects, habang hinihintay ang sinumpaang salaysay ni dating gov Luis “Chavit” Singson.

Ayon kay Lacson, kailangan muna ang affidavit at mga kaukulang dokumento bago ipagpatuloy ang pagdinig. Dagdag niya, kulang pa ang lagda ng mga miyembro ng komite upang maaprubahan ang partial committee report na magpapahintulot na iakyat ito sa plenaryo.

Sa kasalukuyan, apat pa lamang ang lumalagda sa ulat, kabilang sina Lacson, Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, at Bam Aquino, habang kailangan pa ng lima upang makabuo ng mayorya.

Ayon sa senador, maaari pa ring ipatawag si Singson kung maisusumite nito ang draft affidavit, habang posibleng iakyat sa Office of the Ombudsman ang mga dokumento kung hindi makuha ang kinakailangang lagda ng komite. (report by Bombo Jai)