-- Advertisements --

Nakapagtala ng bagong rekord sa Philippine online gaming ang CASINO PLUS matapos ipagkaloob ang jackpot na nagkakahalaga ng P122,409,603 pesos, pinakamalaking verified jackpot sa kasaysayan ng Philippine online slot machines.

Isinagawa ang ceremonial handover nitong Setyembre 9 sa LaVie Resort and Casino sa Maynila, sa presensya ng PAGCOR, Casino Plus CEO Evan Spytma, at ng verified winner na hindi isinapubliko ang pagkakakilanlan para sa seguridad.

Ayon kay Spytma, hindi lamang ito panalo ng isang player, kundi isang mahalagang sandali para sa responsable, patas, ligtas at transparent na digital gaming sa Pilipinas.

Ang Casino Plus ay isang PAGCOR-licensed online casino platform na nag-aalok ng regulated at responsible digital gaming experience.

Paalala ng kumpanya, ang gaming ay para lamang sa entertainment, hindi pagkakakitaan, at walang garantisadong panalo.