-- Advertisements --

Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) ang hanggang P6.2 billion na pondo para suportahan ang mga magsasaka at mangingisda bilang inisyal na pantugon sa banta ng El Niño.

Ayon DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, ilalaan ito sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport o UPLIFT.

Pangunahing ilalaan ang pondo para sa fuel subsidies ng mga rehistradong magsasaka at mangingisda, gayundin para sa fertilizer assistance.

Ayon pa sa kalihim, hinihintay na lang ng DA ang Special Allotment Release Order (SARO) mula sa Department of Budget and Management (DBM) para sa naturang halaga.

Inaasahan kasing maraming mga Pilipino ang maaaring maapektuhan sa malakas na El Nino, tulad ng nanuna nang ibinabala ng state weather bureau.

Ayon kay De Mesa, maaari pa itong madagdagan sa ilalim ng panukalang pondo para sa susunod na taon