Naghain ng libel complaints ang nakakulong na Pastor na si Apollo Quiboloy laban kina Senator Risa Hontiveros, Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña at ML Party-list Rep. Leila de Lima.
Kinumpirma ng tatlong mambabatas ang mga reklamo at iginiit na hindi sila matatakot sa mga ito.
Sinabi ni Hontiveros na patuloy siyang susuporta sa mga nagpakilalang biktima na humarap sa mga pagdinig ng Senado, habang tinawag naman ni de Lima na walang basehan ang reklamo.
Samantala, sinabi ni Cendaña na hindi sila titigil sa paghahangad ng hustisya para sa mga nag-akusa kay Quiboloy.
Tinawag naman ng Akbayan Party-list na “Laughable” ang mga reklamo at pinaninindigan ang mga testimonya at legal records na inilahad laban sa pastor.
Kasalukuyang nililitis si Quiboloy sa Pilipinas sa mga kasong kinabibilangan ng qualified human trafficking at sexual abuse.
Hinihiling naman ng Estados Unidos ang extradition niya kaugnay ng hiwalay na mga kasong sex trafficking, conspiracy at bulk cash smuggling, na sumasailalim pa sa proseso ng pamahalaan.















