-- Advertisements --
Walang nakikita ang Department of Agriculture (DA) na pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.
Ayon kay DA spokesperson Arnel De Mesa, na nananatiling stable ang presyo ng bigas mula P48 hanggang P55 kada kilo.
Paliwanag nito na ang naging maganda ng inventory ng bigas sa kasalukuyan.
Hindi rin naapektuhan ang mga taniman ng bigas mula sa nagdaang apat na bagyo at mga habagat.
Tiniyak nito na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang monitoring sa mga pamilihan para matiyak na walang lalabag na magtataas ng presyo ng bigas.
















