-- Advertisements --
Nagtalang 7-month high ang cash remittance mula sa overseas Filipino workers.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nitong Hulyo ay mayroong $3.2-bilyon na kabuuang remittance mula sa ibang bansa.
Ilan sa mga nakitang dahilan ng BSP ay ang pagpapadala ng mga OFW para sa pag-aaral ng kanilang mga anak kasabay ng pagbubukas ng klase.
Ang land-based Filipinos ay nagpadala ng $2.59-B na ito ay mas mataas ng tatlong porsiyento sa $2.52-B na naitala noong nakaraang taon.
Habang ang sea-based remittance ay umabot sa $585-M na tumaas ng 3.1 percent mula sa $570-M noong nakaraang taon.