Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Isinailalim na sa state of calamity ang Carmen sa Surigao del Sur matapos yanigin ng magnitude 5.5 na lindol noong Sabado.

Nitong Martes nang ipasa ng Sangguniang Bayan ang resolusyon na nagdedeklara sa state of calamity matapos ang iniwang casualty ng lindol sa lugar.

Kung maaalala, 50 katao ang sugatan nang tumama ang lindol noong Sabado sa bayan ng Carrascal.

Naramdaman din ang yanig sa mga bayan ng Lanuza, Carmen, Madrid at Cantilan na nag-iwan ng pagguho sa ilang gusali gaya ng ospital, simbahan at iba pa.