-- Advertisements --

Malaki ang kumpiyansa ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo na magtatagumpay ito torneo sa Jakarta, Indonesia.

Ngayong araw kasi ay sasabak siya sa finals ng floor exercise sa FIG Artistic Gymnastics World Championships.

Noong 2019 edition kasi ay nagkampeon ito sa floor exercise na ginanap sa Stuttgart , Germany habang pang-lima naman ito noong 2021 na ginanap sa Kitakyushu, Japan at pang-pito noong 2022 sa Liverpool habang pang-apat na puwesto noong 2023.

Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion , nakita nito ang lakas ni Yulo noong qualification match nitong araw ng Linggo.

Sa nagdaang mga araw ay naging matindi ang ensayo ng 25-anyos na si Yulo dahil sa makakaharap nito ang mga magagaling na gymnast.

Bukod sa floor exercise ay sasabak din si Yulo sa vault finals na gaganapin naman sa araw ng Sabado kung saan tatangkain niyang ulitin ang kampeonato noong 2021.