Nakamit ni Carlos Yulo ang bronze medal sa men’s floor exercise ng 2025 FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Jakarta.
Hindi naulit ng Olympic champion ang kanyang dating tagumpay matapos makakuha ng 14.533 puntos, sapat lamang para sa ikatlong puwesto.
Samantala, nasungkit naman ni Filipino-British gymnast Jake Jarman ang gintong medalya, isang pagbawi mula sa kanyang pagkatalo kay Yulo noong nakaraang taon.
Samantala, pumangalawa si Luke Whitehouse, kababayan ni Jarman.
Bagama’t hindi nakuha ni Yulo ang inaasam na ginto, nananatili siyang isa sa mga pinakakilalang atleta sa larangan ng gymnastics sa rehiyon.
Ang kanyang bronze finish ay patunay ng kanyang consistence sa pandaigdigang kompetisyon.
Ang 2025 World Championships ay isa sa mga huling major events bago ang 2028 Olympics, kung saan inaasahang muling lalaban si Yulo para sa karangalan ng Pilipinas.














