-- Advertisements --

Nakamit ni Karl Eldrew Yulo ang isa na namang tagumpay matapos masungkit ang bronze medal sa horizontal bar finals ng 2025 Artistic Gymnastics Junior World Championships.

Nagtala siya ng 13.900 points sa kanyang routine na kalaunan ay itinaas sa 14.000 points dahil sa stick landing bonus.

Ito na ang ikalawang bronze medal na napanalunan ni Yulo sa torneo matapos ding magwagi sa floor exercise finals noong nakaraang Sabado.

Bagama’t hindi siya nakapagtala ng medalya sa vault finals, bumawi naman siya sa horizontal bar at muling nagbigay ng karangalan sa bansa.

Ang batang gymnast mula sa Adamson University ay patuloy na nagpapakita ng husay at potensyal sa international stage.

Siya ang nakababatang kapatid ni Olympian gold medalist Carlos Yulo.