-- Advertisements --

Handang-handa na si Karl Eldrew Yulo para sa pagsabak niya sa 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships na magsisimula ngayong araw sa lungsod ng Pasay.

Maipapakita ng 17-anyos ang ilang buwang pagsasanay sa ilalim ni coach Munehiro Kugimiya na siyang coach rin ni double Paris Olympic gold medalist na kapatid nitong si Carlos Yulo.

Ayon kay ymnastics Association of the Philippines chief Cynthia Carrion na may malaking tsansa na magwagi si Yulo sa vault at parallel bars competitions.

Makakasama naman sa womens team sina Sabina Tayag, Maxine Bondoc , Jellian Bantilan at Elisabeth Antone.

Umaasa si Carreon na mag-uuwi ng mga gintong medalya ang mga pambato ng bansa sa nasabing torneo.