Hinangaan ng expectators ang performance ni Karl Eldrew Yulo sa qualifiers nitong Huwebes sa Croatia, kung saan pumangalawa siya sa likod ng American gymnast na si Kameron Nelson na nakakuha ng 14.300 puntos.
Sa pamamagitan nito, muling nagkaroon ng pagkakataon ang batang Pilipino na makipag-agawan para sa medalya sa prestihiyosong torneo.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapasok si Yulo sa finals ng World Cup series, dahil nakarating na rin siya sa huling yugto sa Baku, Antalya, at Cairo.
Sa mga nakaraang leg, nakapag-uwi siya ng ginto sa Turkiye at silver sa Egypt, patunay ng kanyang patuloy na pag-angat sa international gymnastics.
Nakatakda pang isagawa ang qualifying rounds para sa iba pang apparatuses ngayong araw, kung saan inaasahang muling lalaban si Yulo para sa karagdagang tsansa sa podium finish.
Si Karl Eldrew ay kapatid ng Olympic double gold medalist na si Carlos Yulo.















