-- Advertisements --

Nananatiling paboritong manalo ng unang gintong medalya para sa Pilipinas sa nagpapatuloy na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya ,Japan si Pinoy gymnast Carlos Yulo.

Sasabak ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 24 si Yulo para sa floor exercise final.

Nanguna kasi si Yulo sa Philippine team subalit nasa pang-apat ang Pilipinas sa team event na pinangunahan na China, Japan at Chinese Taipei.

Nagkamit din ang 26-anyos na si Yulo ng magandang puntos sa vault events habang nasa pang-limang puwesto nama siya sa parallel bars.

Gaganapin naman ang parallel bars finals sa araw ng Biyernes, Setyembre 25.

Makakasabay din ni Yulo sa finals ng floor exercise at high bar ang kapatid niyang si Eldrew Yulo.