Muling pinatunayan ni Carlos Yulo ang kanyang galing sa larangan ng gymnastics matapos magpakitang-gilas sa unang vault sa 2025 Artistic Gymnastics World Championships.
Sa kanyang pambihirang performance, nakamit ni Yulo ang score na 14.866, sapat upang masungkit ang unang pwesto at maiuwi ang gintong medalya para sa Pilipinas.
Ginaganap ang prestihiyosong paligsahan sa Jakarta, Indonesia, kung saan nagtagisan ng husay ang mga pinakamagagaling na gymnast mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ngunit si Yulo ang namukod-tangi sa kanyang malinis na landing, lakas, at teknik, na umani ng papuri mula sa mga hurado at manonood.
Una rito, marami ang nalungkot nang hindi makakuha ng “go signal” si Caloy para sa ibang laro na makakapagbigay sana ng tyansang katawanin niya ang bansa sa rehiyon at sa buong mundo.















