-- Advertisements --
Handang handa na ang Pilipinas matapos ang nalalapit na pag-host nito ng 3rd International Gymnastics Federation Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa.
Ayon kay Gymnastics Association of the Philippine (GAP) presidnt Cynthia Carrion, na aabot sa 2,000 na atleta at opisyal mula sa 72 bansa ang makikibahagi.
Gaganapin ito mula Nobyembre 20 hanggang 24 sa lungsod ng Pasay.
Nagpapasalamat si Carrion dahil sa buong suporta na ibinibigay ni Philippine Sport Commission at maging ang national government.
















