-- Advertisements --
Nasa 50 katao ang sugatan matapos ang pagsabog sa isang mosque sa Indonesia.
Iniimbestigahan ng mga otoridad ang isang 17-anyos na estudyante.
Nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng pagdarasal sa loob ng mosque sa Jakarta.
Karamihan sa mga sugatang biktima ay mag-aaral na nagtamo ng pagkasunog sa katawan.
Gumamit umano ang suspek ng isang home-made bomb kung saan maging ito ay nasugatan.
Nakarekober din ang mga kapulisan ng dalawang baril na maaaring gamitin ng suspek sa insidente.
















